Isang fetus na nasa lima hanggang anim na buwan ang natagpuan sa palayan sa Tukuran, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing tinutukoy na ng pulisya kung sino ang nanay ng fetus na maaaring residente rin ng lugar.

Nagdesisyon naman ang lokal na pamahalaan na agad ipalibing ang fetus. —Jamil Santos/KBK, GMA News