Patay ang isang magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Bakas pa sa dibdib ni Zaldy Marfil ang maitim na linyang iniwan ng tumamang kidlat.

Pauwi na sana si Marfil at tatlong kasamahan mula sa bukid nang mangyari ang insidente. Dead on the spot si Marfil habang sugatan naman ang tatlo niyang kasamahan.

Paalala ng mga awtoridad, huwag munang lumabas at umiwas sa mga patag na lugar kung masama ang panahon at kumikidlat. —KBK, GMA News