Aabot sa 14 ang sugatan matapos tumaob ang jeep na sinasakyan nila sa Sablan, Benguet, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Base sa imbestigasyon,  binabagtas ng pampasaherong jeep ang Balluay Road nang dumulas ito sa kaliwang bahagi ng kalsada at tumaob.

Isinugod sa ospital ang mga sugatan.

Nagdesisyon ang mga biktima na huwag nang magsampa ng reklamo laban sa driver at may-ari ng jeep dahil magkakamag-anak sila.

Sasagutin naman ng driver at may-ari ang gastusin ng mga biktima sa pagpapagamot. —KBK, GMA News