Isang magsasaka ang namatay sa Glan, Sarangani matapos siya pagta-tagain ng kanyang kamag-anak matapos nilang mag-inuman.

Ayon sa ulat sa "Quick Response Team", ang biktimang si Ramil Sabnal ay pinagtataga ni Randy Tara matapos nila magtalo tungkol sa nasirang pugon ng biktima.

Pinababayaran ni Tara ang nasirang pugon kay Sabnal ngunit ito ay nagalit at naghamon ng away, sabi ng suspek.

Ito raw ang nagdulot ng pananaga.

Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa mga sugat sa likod ng kanyang ulo at baywang.

Ang ginamit na itak ay nakatarak pa sa likod ng ulo ni Sabnal.

Si Tara ay nasa pamamahala na ng mga pulis. —Joahna Lei Casilao/NB, GMA News