Dalawang buwang sanggol sa Sta. Cruz, Laguna ang pinatay ng kanyang sariling ama nitong Martes dahil hindi ito naniniwala na kanya ang sanggol, ayon sa ulat ni Jamie Santos sa Saksi.

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek na si Robert Binaya ay umuwing lasing at nang kanyang makitang nakahiga ang biktimang si Daniel, hinawakan niya ito sa paa at binitin patiwarik.

Kinarate rin ni Binaya ang sanggol sa ulo at pagkatapos ay hinulog sa semento.

"Hindi ko naman po ibinagsak. May kutson naman po doon sa higaan ng baby ko," ani Binaya.

Pinagbantaan rin nito ang kanyang asawa upang hindi magsumbong sa mga kapitbahay. Nakapag sumbong lamang ang pamilya sa mga autoridad nang bumisita ang tatay ni Binaya.

Umamin si Binaya na gumagamit siya ng shabu.

Haharap sa reklamong parricide si Binaya. — Joahna Lei Casilao/BAP, GMA News