Isang lola ang sugatan at nakitang walang malay matapos pagkakagatin ng mga aso sa Quezon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Agad isinugod sa ospital ang lola kung saan binigyan siya ng bakuna kontra rabies.

Galing daw Camarines Sur si Lola Natividad at hindi niya matandaan kung paano siya nakarating sa Quezon.

Aniya, higit sa dalawang aso ang umatake sa kanya.

Nasa maayos na kalagayan na ngayon si Lola Natividad.

Sa mga kaanak ni Lola Natividad, maaari niyo po siyang puntahan sa Quezon Medical Center sa Lucena City. —KBK, GMA News