Nag-viral sa social media ang video ng isang pawikan na nanginginain sa mga basurang inilalabas ng isang tubo sa ilalim ng dagat.

Sa video na inilabas ng "Unang Balita," makikitang tuloy lamang sa panginginain ang pawikan at naipasok na ang ulo nito sa tubo, habang tuloy-tuloy lamang ang pag-agos ng dilaw na tubig mula sa tubo.

Kuha ang video sa Bulabog Beach ng Boracay.

Ayon sa ulat, dumating ang mga tauhan ng Department of the Environment and Natural Resources at ininspeksyon ang tubo bago ito isara.

Iniimbestigahan na ng DENR kung saan nagmula ang tubo na naglalabas ng maruming tubig. —LBG, GMA News