Labintatlong high school students ang sinapian umano sa Bulan, Sorsogon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Isa-isa umanong sinapian ang mga estudyante ng Benguin National High School noong nakaraang Biyernes. Dahil diyan, sinuspende ang klase sa naturang paaralan.

Nagpamisa na ang paaralan.

Ayon sa isang pari, napag-alamang may problema sa pamilya ang estudyanteng una umanong sinapian.

Payo niya sa mga pamilya, regular na mag-bonding at huwag mahihiyang magkuwento ng mga problema. —KBK, GMA News