Sa kulungan ang bagsak ng isang e-bike driver matapos siyang akusahan ng panghahalay at pangmomolestiya ng apat na bata sa Cebu City kapalit daw ng pera at libreng sakay. Pero ang suspek, itinanggi ang paratang.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkules, sinabing edad pito, walo, siyam at sampu, ang mga biktima na dalawang lalaki at dalawang babae.

Sa reklamo nila sa pulisya, sinabing isa sa mga biktima ay ginahasa raw ng 49-anyos na suspek sa loob ng isang palikuran.

Ayon sa mga magulang ng mga biktima, nagsimula ang pangmomolestiya noong Setyembre.

Inilarawan daw ng mga biktima ang suspek kaya siya natukoy at dinakip.

Pero itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kaniya at sinabing may mga nagsa-sidecar daw na ayaw sa kaniya dahil mas marami ang sumasakay sa kaniyang e-bike.

Sakabila nito, inihahanda na ng pulisya ang mga reklamong isasampa laban sa suspek.-- FRJ, GMA News