Patay ang isang truck driver matapos siyang makuryente sa General Santos City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Nagliyab ang truck na minamaneho ni Jonhrey Lapendo matapos sumabit ang crane nito sa linya ng kuryente.

Pinatay muna ang supply ng kuryente sa lugar para maapuula ang apoy.

Bagama't nakababa, hindi nakaligtas si Lapendo at nasunog ang kalahating bahagi ng katawan sa tindi ng pagkakakuryente.

Nangako ang kumpanyang pinapasukan ni Lapendo na tutulong sa gastos sa pagpapalibing sa kanya. —KBK, GMA News