Apat ang patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Glan, Sarangani, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Dead on the spot ang dalawang rider habang naisugod naman sa ospital ang parehong angkas pero namatay rin kalaunan.

Nagkasalubong ang dalawang motorsiklo sa pakurbang bahagi ng national highway nang madisgrasya. —KBK, GMA News