Sumuko sa mga awtoridad sa bulacan ang 17-taong gulang na babaeng nagpakilalang miyembro ng New People's Army (NPA), ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Dala pa ng rebeldeng si Alyas Ka Supremo ang 3-buwang gulang niyang sanggol nang sumuko siya.

Ayon kay Ka Supremo, miyembro rin siya ng grupong Kadamay na umokupa noon sa mga pabahay sa Bulacan.

Mahigit 100 kabataan daw silang ni-recruit ng NPA noong 2016.

Sumuko na raw siya dahil sa hirap na dinadanas sa bundok kung saan halos araw-araw daw silang pinahahawak ng baril. —KBK, GMA News