Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 14-anyos na babae sa Amulung, Cagayan na natagpuang patay sa maisan at nakatali sa punongkahoy.

Ayon sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes, positibong pinagsamantalahan ng salarin ang biktima na walang saplot pang-ibaba nang matagpuan.

Batay sa imbestigasyon, makikitulog daw sana ang dalagita sa bahay ng kaniyang lola pero hindi na siya nakarating doon.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen.--FRJ, GMA News