Isang 10-wheeler truck na kargado ng hollow blocks na patungo sa direksyon ng San Pablo, Laguna ang nawalan ng preno at umararo sa bangketa nitong Martes ng gabi.

Binangga muna nito ang kasalubong na trailer truck na kargado ng backhoe bago araruhin ang isang hardware store at concrete waiting shed.

 

Nawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck at bumangga muna sa isang trailer na may kargang backhoe bago ito umararo sa bangketa sa Alaminos, Laguna nitong Martes, Oktubre 15,2019. Photo courtesy: Ferdie Dagdag

 

Nangyari ito sa Maharlika Highway, Poblacion 2, Alaminos, Laguna dakong 11:30 nitong Martes ng gabi.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa magkabilang linya ang aksidente.

Kasalukuyan pang ginagawa ng mga awtoridad ang rescue operation.

Wala pang report kung ilan ang nasaktan sa insidente. —KG, GMA News