Tinaga sa likuran ang isang aso sa Poona Piagapo, Lanao del Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Sa mga litratong nag-viral online, makikita ang malaking hiwa sa likuran ng aso. Hindi pa tukoy ng pulisya kung sino ang tumaga sa aso.

Ayon sa mga pulis, madalas makita ang aso sa tapat ng police station, kaya nang malamang tinaga ito, pinagamot agad nila ang aso sa Iligan City.

Sa ngayon, magaling na ang aso.

Pero naghahanap ang mga pulis ng puwedeng mag-ampon sa limang anak nito. —KBK, GMA News