Pinatay sa sakal at posible pang ginahasa ang 2-anyos na batang babae sa bayan ng Dauin sa lalawigan ng Negros Oriental.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes ng umaga, nadiskubre umano ang krimen nang umaalingasaw ang naaagnas nang katawan ng biktama.

Itinuring ng mga pulis na suspek ang kapitbahay ng bata na kinilalang si Modesto Padiño, Jr.

Pahayag ng mga pulis, Martes ng hapon nang may nakakita kay Padiño na kasama ang bata.

Natagpuan noong Huwebes ang bangkay ng bata sa isang bakanteng lote.

Samantala, narekober naman sa bahay ng suspek ang pajama ng bata.

Tinutugis na ngayon sa mga pulis si Pandiño. —GMA News