Sinibak na sa serbisyo ang mga pulis na nasangkot sa pagpatay sa anak ng alkalde sa Sariaya, Quezon, at isa pang kasama nito, matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct.

Sinibak sa serbisyo sina Police Colonel Mark Joseph Laygo, Police Corporal Lonald Sumalpong, at Patrolman Robert Legaspi matapos mahatulang guilty sa kasong administratibo (two counts of Grave Misconduct) in violation of Article 248 of the Revised Penal Code ng Police Regional Office 4A, PNP dahil sa pagpatay kina Christian Gayeta at Christopher Manalo.

Photos by Pewee Bacuño
Photos by Pewee Bacuño

Si Christian ay anak ni Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta.

Matatandaang napatay ng pulis-Tayabas sina Christian at kaibigan nito noong March 2019 sa sinasabing "scripted" na police operation.

Hinarang ng mga pulis sa checkpoint sa Tayabas City ang mga biktima at pinalabas na nanlaban raw kaya napatay ang mga ito.

Ang siyam na iba pang mga pulis na nadawit sa kaso ay inabswelto na. —LBG, GMA News