Nakaranas ng malalakas na pag-ulan na may yelo ang bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Sa lakas ng hangin at ulan, nagsitumbahan ang ilang pananim at puno.

Ayon sa mga residente, dahil may kasamang yelo ang ulan, minabuti nilang manatili sa loob ng bahay. —KBK, GMA News