Isang lalaki sa Nabua , Camarines Sur ang nahulihan ng ilang pakete ng umano'y shabu at marijuana sa isang buy-bust operation, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes.

Pero habang siya ay inaaresto, biglang nagwala ang suspek na kinilalang si Andrew Sales.

Pinagmumura at nasuntok pa niya ang isang pulis.

Matagal na raw siyang huminto sa pagdo-droga.

Planted din daw ang droga.

Pumalag siya matapos umano siyang sakalin at kaladkarin ng isang pulis.

Walang pahayag dito ang pulisya. —KBK, GMA News