Isa ang patay at walong iba pa ang sugatan matapos bumaligtad ang isang truck sa bayan ng Malungon sa Saranggani.

Ayon sa ulat ng GMA News TV  “QRT” nitong Martes, sinabing galing sa General Santos City ang truck na may dalang construction materials at papunta sa Kiblawan, Davao del Sur.

Batay sa imbestigasyon ng Malungon police, nasa palusong na bahagi ng highway sa Barangay Nagpan ang truck nang pumutok ang isang gulong nito kaya nawalan ng kontrol ang driver.

Iniwasan naman ng truck ang mga kasalubong na sasakyan kaya tumaob ito.

Agad rumesponde ang Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Managmement Office at dinala sa ospital ang mga biktima.

Pero dead on arrival ang isang construction foreman. —NB/FRJ, GMA News