Binaril ng riding in tandem ang isang 16-anyos na buntis sa Cagayan de Oro City. Ang biktima, galing daw sa court hearing kaugnay sa isinampa niyang reklamo laban sa isang pulis.

Sa ulat ng GMA news "Saksi" nitong Martes, nakikita ang biktima habang tumatawid kasama ang kaniyang ina at lola.

Hindi nagtagal, nilapitan sila ng riding in tandem at binaril ang biktima na dahilan para ito matumba.

Tinangka pang habulin ng kaniyang ina at lola ang mga tumakas ang mga salarin.

Masuwerte namang nakaligtas ang biktima sa nangyaring pamamaril.

Hinahanap pa rin ng pulisya ang riding-in-tandem. -- FRJ, GMA News