Nang dahil daw sa babae, dalawang lalaki ang binugbog ng limang lalaki sa Iloilo City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kita sa kuha ng CCTV ang panununtok at paninipa ng mga suspek sa dalawang biktimang hindi na nakapalag.

Apat sa mga nambugbog ay mga menor de edad.

Ayon sa mga biktima, lasing ang mga suspek.

Posible raw na natipuhan ng mga suspek ang nobya ng isa sa mga biktima.

Ayon naman sa mga suspek, nagalit sila dahil binugahan ng isang biktima ng usok ng sigarilyo ang isa sa kanila. —KBK, GMA News