Patay ang isang sabungero sa Pagadian City matapos itong pagbabarilin, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Inaasikaso raw ni Sonny Macagal ang kanyang manok nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaki.

Tumakas ang mga salarin gamit ang motorsiklo.

Inaalam na kung sino ang mga nasa likod ng krimen at kung ano ang kanilang motibo.

Samantala, sa Vigas, Ilocos Sur naman, isang lalaki ang pinagbabaril at napatay dahil sa manok.

Binaril si Jenifer Kwiton sa leeg at tagiliran ng kanyang kaibigang si Edgardo Quidolit.

Sumuko naman ang suspek na umamin sa krimen.

Away sa pinapaalagang manok ng biktima ang ugat ng kanilang away. —KBK, GMA News