Kinagigiliwan ng kanyang mga kustomer ang "singing balut vendor" sa bayan ng Liliw sa lalawigan ng Laguna.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules na ikinatutuwa ng mga parokyano ang pagbirit ng balut vendor na si Mario Valencia sa popular na kantang "Buwan" sabay sigaw ng "balut!"

Ayon sa ulat, maayos din umano ang serbisyo ni Mario, kaya tuwang-tuwa ang kaniyang mga suki. —LBG, GMA News