Kalat ngayon sa social media ang pagbubuntis ng isang batang babae matapos umanong gahasain ng kaniyang lolo sa Antique.

Pero ayon mismo sa 12-anyos na bata, hindi ang kaniyang lolo kundi ang nobyo ng kaniyang yumaong ina ang nakabuntis sa kaniya, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Inamin naman ito ng lalaki, pero giit niya mayroon silang relasyon ng bata at handa niyang panagutan ito.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata.

Nanawagan naman ang lolo at lola ng bata na tigilan ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanilang pamilya. —KBK, GMA News