Pinaghahanap na ng mga pulis ang suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman sa loob ng isang e-games shop sa bayan ng Bauang sa lalawigan ng La Union.

Sa ulat ng Balitanghali Weekend nitong Sabado, makikita sa footage ang biktima na si barangay chairman Noel Gallardo, at biglang sumulpot ang isang lalaki at saka binaril ng malapitan ang biktima.

Napag-alaman ng mga pulis na peke ang naiwang ID ng salarin sa crime scene.

"Yung tao na nakapangalan doon atsaka yung TIN niya base sa imbestigasyon ng tropa natin non-existent yung number na yun. Tugma naman ang litratong nasa ID at kuha ng CCTV sa mukha ng gunman,” ayon sa mga pulis.

Tinutugis ng mga pulis ang suspek. —LBG, GMA News