Walo ang sugatan nang sumalpok ang pampasaherong bus na DLTB sa isang bahay sa gilid ng Maharlika Highway, sa Binambang, Gumaca, Quezon dakong alas-kuwatro ng madaling araw nitong Linggo.

Ayon sa Gumaca Municipal Police Station, patungo sa Daet, Camarines Norte ang bus galing sa Maynila nang mangyari ang aksidente.

Masuwerteng walang nasaktan sa mga taong natutulog sa bahay.

 

Walo ang sugatan, kabilang ang driver ng pampasaherong bus ng DLTB Co., nang maganap ang aksidente sa Maharlika Highway, Gumaca, Quezon nitong Linggo, Nobyembre 17, 2019. Photo courtesy: Gumaca MDRRMO

 

Pitong pasahero ng DLTB bus ang sugatan at isinugod sa magkahiwalay na pagamutan sa Gumaca.

Sugatan din ang driver ng bus.

Posible raw na inantok ang driver ng bus dahilan para lumabas ito ng linya at tuluyang sumalpok sa bahay.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Gumaca Police. —KG, GMA News