Patay sa pamamaril sa Noveleta, Cavite ang isang pumapasadang driver ng minibus.

Ayon sa ulat sa “QRT”, binaril si Angelo Torralba ng isang pumarang pasahero, na tumakas sa nakaabang na motorsiklo.

Ayon sa mga pasahero, nakasuot ang gunman ng pulang sombrero at itim na t-shirt.

Nagtamo si Torralba ng mga tama ng bala sa mukha at katawan.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng 9 mm na baril. —NB, GMA News