Bangkay na nang matagpuan sa damuhan ang isang lola at kanyang apo sa Tacurong City.

Ayon sa ulat sa “QRT”, may mga saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang 63-anyos at 9-anyos na mga biktima.

Posibleng pinalo rin daw ng matigas na bagay ang dalawa.

Nakitaan din ng mga marka ng dugo ang bahay nila.

Base sa salaysay ng ilang kapitbahay, isang kaanak na kinilalang si Ernesto Escolano, Jr. ang nakita sa bahay ng mga biktima bago ang krimen.

Nagsasagawa na ng manhunt operations ang pulisya laban kay Escolano na nakita pa raw sa lugar bago madiskubre ang mga bangkay. —NB, GMA News