Muling hinangaan ang  triplets mula sa Isabela na sina Ace, King at Jack Pagaran na nag-viral noong nakaraang taon nang magtapos na mga cum laude sa Isabela State University.

Sa  ulat ng GMA News TV "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Miyerkules, sinabing ngayon taon naman ay sabay-sabay na pumasa ang triplet sa kanilang Agriculturist Licensure examination.

Hindi raw sila makapaniwala ang tatlo dahil mahirap ang naging pagsusulit.

Ngayon ay labis ang kasiyahan ng magkakapatid dahil mas matutulungan na raw nila ang kanilang mga magulang na magsasaka, na iginapang noon ang kanilang pag-aaral.-- FRJ, GMA News

Tags: