Isang limang-taong-gulang na lalaki ang nasawi matapos nabilaukan sa kinaing wafer sa Sipalay, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing sinubukan pa raw ng ina ng bata na kunin sa lalamunan ng anak ang bumarang wafer pero nabigo siya.

Isinugod nila sa ospital ang bata pero patay na raw ito nang dumating, ayon sa doktor.-- FRJ, GMA News