Nauwi sa barilan ang bangaan ng mga motorsiklo ng isang aktibo at isang retiradong pulis sa Calamba, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nagbanggan ang mga motorsiklo nina Police Lieutenant Ramil Gonzalez at retired police Jujardin Velasco.

Parehong bumagsak ang dalawang pulis, hanggang sa bumunot sila ng baril at nagbarilan sa gitna ng kalsada.

Humandusay si Gonzales na isinugod sa ospital pero namatay kalaunan.

Napuruhan din si Velasco at ngayo'y kritikal. —KBK, GMA News