Dalawa ang patay sa buy-bust operation sa San Jose Del Monte, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina alias Jun at ang kasabwat na pulis na si Jayvee Ancho Dineros.

Ayon sa pulisya, nang makatunog ang isa sa mga  suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon, bigla na lang daw silang bumunot ng baril at nagpaputok.

Gumanti naman ang mga awtoridad dahilan para mapatay ang mga suspek.

Ilang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanila. —KBK, GMA News