Wala nang tiyan at wala na ring lamang loob nang matagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa President Quirino, Sultan Kudarat, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Tanging ang ulo, baywang hanggang paa na lang ang naiwan sa bangkay.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang nasa likod ng krimen. —KBK, GMA News