Wasak ang harapan ng isang ambulansya matapos mahulog sa bangin sa Imelda, Zamboanga Sibugay, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Biyernes.

Pabalik na galing Zamboanga City ang ambulansya matapos maghatid ng pasyente.

Nakaidlip raw ang driver ng ambulansya kaya nahulog ito sa bangin na may 30 metro ang lalim.

Maswerteng nakaligtas ang driver na nagtamo ng pasa sa iba't ibang parte ng katawan.

Wala siyang pahayag. —KBK, GMA News