Nauwi sa riot ang alitan ng dalawang grupo ng kabataan sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nagkabatuhan ng mga bote at bato ang magkatunggaling panig. Nadamay pa sa gulo ang mga salamin ng isang gasolinahan.

Nagpulasan ang dalawang grupo nang dumami na ang mga motoristang sumasaway sa kanila.

Hindi pa malinaw kung ano ang ugat ng rambol. —KBK, GMA News