Tatlo ang patay matapos mabangga ng SUV ang dalawang motorsiklo sa Siaton, Negros Oriental, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Dead on arrival sa ospital ang rider na si Gregorio Encabo Jr. at angkas niyang si Nenito Rebotazo.

Namatay naman habang ginagamot ang isa pang rider na si Jason Ajer.

Base sa imbestigasyon, nag-overtake sa pampasaherong bus ang SUV.

Giit naman ng driver ng SUV,  isa sa mga rider ang nag-overtake kaya niya nabangga ang mga ito. —KBK, GMA News