Arestado ang isang tindero matapos makuha sa kaniya ang isang nakaw na laptop sa Nabua, Camarines Sur, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nabisto ang suspek na si Neil Francis Margate nang ipa-charge niya ang laptop sa computer shop.

Nagkataong nagtatrabaho sa naturang shop ang kapatid ng may-ari ng laptop kaya naisumbong niya ito.

Giit naman ng suspek, may nagbenta lang sa kanya ng  laptop at hindi niya alam na nakaw pala ito. —KBK, GMA News