Mahina at halos di makagalaw ang baby dolphin na natagpuan sa Claveria, Cagayan binawian din ng buhay. PHOTO FROM BFAR Region 2
Mahina at halos di makagalaw ang baby dolphin na natagpuan sa Claveria, Cagayan binawian din ng buhay. PHOTO FROM BFAR Region 2

Isang baby Spinner dolphin o calf ang napadpad sa baybayin ng Claveria, Cagayan nitong Lunes ng umaga.

Nakita ito ng mga residente sa lugar at agad na ipinaalam sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 office.

Mahina at halos hindi makagalaw ang dolphin.

Mabilis na nagtungo sa lugar ang team ng BFAR sa pangunguna ni Dr. John Henry Centeno.

Inilagay ang baby dolphin sa isang swimming pool upang suriin ito at gamutin.

Nitong Martes ay sinubukan itong pakawalan sa dagat upang malaman kung kaya na nitong lumangoy subalit mahina par in ang baby dolphin.

Nang ibabalik na sana ito sa swimming pool ay binawian na ito ng buhay.

Hindi pa matukoy ng BFAR kung ano nag dahilan ng pagkakasakit nito.