Arestado ang isang lalaki matapos umano niyang nakawin ang donasyon sa isang simbahan sa Kalibo, Aklan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Martes daw ng gabi nang pasukin ni Luther Ortega ang adoration room at tinangay ang donation box.

Kinabukasan, bumalik siya sa simbahan at hinihinalang magnanakaw ulit, pero doon na siya nadakip ng mga awtoridad.

Nakuha kay Ortega ang mahigit P4,000.

Inihahanda na ang kaso laban sa kanya.

Wala siyang pahayag. —KBK, GMA News