Nagpanggap na may bibisitahing pasyente pero pagnanakaw pala ang pakay. Yan ang modus ng dalawang suspek na na-hulicam sa isang ospital sa Urdaneta City.

Ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Biyernes, natiyempuhan ng mga suspek na natutulog ang isang empleyado ng ospital. Kinuha nila ang cellphone at wallet na may mahigit P1,000 at saka sumibat.

Naaresto rin ang mga suspek kalaunan pero itinanggi nila ang paratang. —KBK, GMA News