Patay ang isang patroller ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek nitong Lunes ng umaga sa Calamba City.

Ayon sa ulat ni Mark Makalalad sa Dobol B sa News TV, papasok sana sa trabaho ang biktimang si El Marcelo Danoso nang bigla siyang barilin sa noo habang nasa Barangay Makiling.

Nakarating umano sa pulisya ang insidente dakong 9:10 ng umaga.

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek sa pamamaril at inaalam pa rin ang kanilang motibo sa krimen. — Dona Magsino/RSJ, GMA News