Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad sa Biñan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Kagawad Lorna Marfil. Naisugod pa siya sa ospital pero hindi na siya umabot nang buhay.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang pagpatay sa kapatid ng kagawad na dating nasangkot sa droga.

Enero noong nakaraang taon nang mapatay ang kapatid ng biktima. —KBK, GMA News