Isa na namang krimen na pinatay at tinalupan ang mukha ng biktima ang naganap sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Biyernes, sinabing isang lalaki ang biktima na nakita sa isang sakahan sa Barangay Fuente sa Carmen, Cebu.

Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na binalatan din ang leeg at tenga.

Pero kilala raw ang biktima sa lugar na pagala-gala at may problema umano sa pag-iisip.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Matatandan na noong Marso ng nakaraang taon, isang dalagita ang pinatay at binalatan ang mukha sa Lapu-lapu City, Cebu.

Ilang araw ang lumipas, isang suspek ang nadakip sa Davao City. --FRJ, GMA News