Naging mas memorable ang isang kasal sa Alfonso, Cavite nitong Linggo dahil sinabayan ito ng pag-alburoto ang bulkang Taal.

Sa ulat ng GMA News TV "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Lunes, ipinakita ang video ng kasal nina Chino Vaflor at Kat Bautista Palomar habang tanaw ang makapal na usok mula sa bulkan.

Hindi rin daw nag-panic ang mga bisita ng ikinakasal at tinapos ang okasyon hanggang sa reception.

Ligtas naman ang lahat pagkatapos ng pambihirang kasalan, na tiyak daw na hindi malilimutan ng mga dumalo.--FRJ, GMA News