Dead on the spot ang isang rider ng motorsiklo matapos masalpok at magulungan ng 10-wheeler truck sa Barangay Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte nitong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Raymund Villaros, 22.

Sa imbestigasyon, napag-alamang tumabi sa kalsada ang biktima para magsindi ng sigarilyo.

Pagkatapos ay biglang pinaharurot nito ang motorsiklo at sakto namang may paparating na truck.

Umagaw umano ng linya ang motorsiklo at dito nakasalpukan ang truck.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at nagulungan, at agad siyang nabawian ng buhay.

 

Nagkasalpukan ang isang motorsiklo at isang 10-wheeler truck sa Barangay Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte nitong Sabado, Enero 18, 2020. Dead on the spot ang rider ng motorsiklo na nakilalang si Raymund Villaros, 22. Dennis Gabriel Alipio

 

Sumuko naman sa pulisya ang truck driver na si Danilo Inocente pati na ang kanyang pahinante.

Iginiit ng driver na umagaw ng linya ang motorsiklo.

Sinubukan daw niyang umiwas pero nakasalpukan pa rin ito. 

Nakahanda naman daw tumulong ang driver pero wala pang desisyon ang pamilya ng biktima. —KG, GMA News