DINAS, Zamboanga del Sur - Dalawa ang sugatan matapos paulanan ng bala ang AUV na sinasakyan ng isang mag-anak sa provincial road ng Purok Nangka, Barangay Nangka, Dinas, Zamboanga del Sur nitong Lunes ng hapon.

Ligtas naman ang dalawang sakay ng AUV.

Ayon sa pulisya, may isang puting van na bumuntot sa mga biktima.

Labing-tatlo ang tama ng mga bala sa AUV sa insidenteng nangyari bago mag-alas tres ng hapon.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente. —KG, GMA News