Patay ang isang ginang na pinaniniwalaang inatake ng isang cobra sa bayan ng Danglas sa lalawigan ng Abra, at natagpuan din ang patay na ahas 'di kalayuan sa kung saan nalagutan ng hininga ang matanda, ayon sa mga pulis.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sianabi ng mga awtoridad na nasa sakahan si Drucila Layugan upang tingnan ang mga alagan kambing nang atakehin siya ng cobra.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtamo si Layugan ng limang marka ng tuklaw sa braso at balikat.

Natagpuan din ang patay na cobra 'di kalayuan kung saan nakahandusay na wala nang buhay si Layugan.

Pinaniniwalaang napatay ng biktima ang cobra bago pa siya mamatay. —LBG, GMA News