Agaw-pansin sa ngayon ang isang umano’y higanteng perlas sa bayan ng Kalibo sa lalawigan ng Aklan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing tumitimbang ang perlas ng 13 kilo.

Pahayag ng may-ari, ayon sa ulat, ibinigay lamang sa kanya ng isang katutubo sa Palawan ang perlas noong 2011.

Ipinasuri unamo ng may-ari ang perlas sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at totoo umano ang ito.

Ngunit, ayon sa ulat, kailangan pa ring umanong suriin ng mga marine biologist ang nasabing perlas.

Handa naman umano ang may-ari na ibigay ang perlas sakaling kunin ito ng lokal na pamahalaan para sa turismo.

Sa ngayon, naniningil umano ang may-ari ng P50 bawat tao na nais makita ang perlas. —LBG, GMA News