Nadiskubre ng isang garbage collector sa San Jose del Monte, Bulacan sa loob ng isang maleta ang putol-putol na katawan ng tao.

Pahayag ng SJDM pulis, nakuha ng isang garbage collector ang maleta sa gilid ng Quirino Highway at nang buksan umano niya ito, tumambad ang mga chop-chop na  katawan.

Ayon sa SJDM pulis, nakipagtulungan sa kanila ang mga pulis sa Marikina, kung saan natagpuan noong Huwebes ang isang pares na putol ng binti ng tao.

Inaalam pa kung magkaugnay ang dalawang magkahiwalay na insidente ng pagkakita ng mga chop-chop na bahagi ng katawan ng tao. —LBG, GMA News